Sabado, Pebrero 4, 2012

Hindi maiwasang isipin...

Minsan talaga sa ating buhay, may mga di-inaasahang mangyayari. Buhay man natin, panahon, oras o lahat na. Pero bakit ganun? Bakit pa kailangang mangyari yun? Di ko tuloy maisip ang totoo talagang nangyayari. Gaya namin sa ND/HM FLAMING TEAM. Masayang nagpapraktis, harutan dito, harutan doon. Kantyawan dito, kantyawan doon. Pero ni isang pagkakataon sa aming practice ay hindi namin nalilimutan na magdasal. Ipinapasa-Dyos namin lahat ng ginagawa namin. Lahat-lahat-lahat :)

final practice at sky gym

Nagsimula ang aming team sa isang audition (syempre).  Maraming nakuha at marami ring hindi. Sa kalagitnaan ng pagpapraktis, andami nang nag quit. Bakit kaya? Hindi ba okey ang mga steppings? Hindi ba masaya sa  grupo? Pero nung malapit na talaga ang intrams, unti-unting nabuo ang team at unti-unting naging pamilya ko na. ♥

 ••••••••••••

Bago pa ang intrams, gumawa muna kami ng mga props, costumes at mga kagamitan para sa aming pagsasayaw. Nag final practice muna kami sa UIC Campus, Sky Gym at pagkatapos nun ay kumain ng hapunan. Busog na kami, pero hindi pa natatapos ang aming gawain. Yun, pumunta kami sa Jacinto, kung saan naninirahan dooon ang isa sa aming kasamahan, si Kuya Zerddie. 

busy ang lahat ....
ako ang nagtahi sa "N". haha

hardworking si Booker :p
eksaherada.

••••••••••••


ND/HM FLAMING TEAM 

Eto yun sila. Ang aking mga ate at kuya. Napakasaya namin dyan :) excited na excited na sa magiging paligsahan. At syempre, hindi pa rin nawala ang harutan :)
Pero bago nagsimula ang paligsahan, lumabas muna kami lahat. Nag practice* saglit. Pinapamilyar ang mga steppings, at OK na. :) Nag-pray kami lahat. As a group at may iba, praying for themselves rin. At si ako naman, sobrang kinakabahan na. Pero unti-unting nawala nang dahil sa pagdadasal ko.





At eto na, ang pinaka hihintay ng lahat! Sumayaw na kami. Masaya sa simula, todo smile, todo sayaw, todo hataw at todo galaw. :) Hiyawan dito, sigawaan doon, "GO HRM" dito, "GO FLAMING TEAM" doon. Napakasayang pakinggan na may naghihiyawan. Ang style ng cheerdance namin ay SAYAW, YELLS at SAYAW. So yun, natapos na ang unang parte ng sayaw. Nag yells na. Simula unang sayaw at yells, ang ayos-ayos, super duper. Like there were no flaws and destruction. Pero....................


Biglang hindi umandar ang tugtog namin sa pangatlong parte. Nagtaka ako kung bakit matagal bumalik yung tugtog. Yun na, ok na. :) Tumugtog na :) PERO.................

!@#$%^&*. ANG TUGTOG!!!!! Grabe. Hindi ko akalain na ganun pala :( Ang tugtog namin, biglang naging stop dance. :(( Hindi muna namin pinansin yun kasi baka maibalik pa sa dati. Pero wala :( nagmukha kaming mga puppet na sumasayaw ng stop dance sa isang malaking entablado :(( NAPAKASAKIT! Wala man lang hustisya ang mga efforts, walang tulugan na gabi, oras, pera, panahon at super late practices :((((((((((((((((((((((


Parang kasali na sa sayaw namin ang exit namin. Hindi pa tapos ang tugtog, isa-isa na kaming nagtakbuhan palabas ng gym at doon, isa-isang nag iyakan. :'( Seeing our master choreographer crying, Alexis Booker, gives me so much heartache. I mean, naawa ako sa kanya dahil siya yung parang pundasyon ng tropa namin, kundi dahil sa kanya, wala kami sa cheerdance. Awang-awa ako sa kanya nung nakita ko siyang umiyak. :( At si ako, hindi na din napigilan ang luha. Umiyak ako mag-isa, hindi ko muna pinakita na nasasaktan ako. Manhid-manhidan, kumbaga. But I didn't know, Jorro is finding me. And yes, he found me right there at the back of that building, punching the walls like Manny Pacquiao. Oo, sinuntok ko ang dingding ng isang building doon sa UIC Bajada High School and Elementary Campus. Doon ko inilabas ang galit ko, ang galit sa mga taong nasa likod ng insidenteng iyon. Wala ba silang puso para gawin yun? Oo, cheerdance lang yun. BUT IT MEAN A LOT TO US, CHEER DANCERS.

 Yun, Jorro comforted me and also all the members of the group kaya medyo nawalan yung galit ko. Pinapunta kami sa isang lugar na kami lang at kinsausap kami doon ng ND/HM President and Dean na si Sir Jason. They comforted us and gave us some words of wisdom and enlightenment. Dun ko na naisip, EVERYTHING HAS A PURPOSE. Pero ano ba ang purpose sa aming pag stop dance? Ang sakit lang isipin na sa mahigit taltong buwan na paghahanda, nauwi lang pala sa stop dance ang lahat.


Ngunit kahit ganun, hindi parin nawala ang pagiging pamilya namin. Ang pagiging mga ate at kuya ko. :) Umuwi na ako pagkatapos mismo kaming kausapin. At sila, may pinuntahan pa daw. Pinag-usapan nila kung sino talaga ang may salarin. At ngayon, alam na namin kung sino at saan at paano at bakit. XD Ganyan na ba talaga sila ka desperado para maging champion lang? :)) Nangyari na ang nangyari. Kunin mo na ang lahat sa amin, wag lang ang aming pagiging pamilya. :)




tuwaan pa rin

jump shot

TALO.


At ngayon na lumipat na ako ng paaralan, ND/HM FLAMING TEAM will always be in my heart. Hinding-hindi kayo mabubura sa puso ko. Miss ko na kayo :'(








PS
SANA MAY PART TWO :PPPPPP

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento